Ang Aking Buhay, para kay Rosalie

24358_412584856753_2061170_n

 ALAY kay ROSALIE sa kanyang pagiging matibay at mapagmahal na kasama sa kilusang mapagpalaya – ilang sipi ng  tula na isinalin ni Pete Lacaba mula sa isang kuwento ng mga North American Indian na lumaban para sa kalayaan.

” Darating ang panahon na magwawakas ang aking buhay.Pagdating ng panahong iyun, ang hiling ko’y gunitain ninyo ang mga bagay na ito:

Ilibing ninyo ang aking katawan subalit huwag ninyong ilibing ang aking diwa.

Ilibing ninyo ang aking mga mata subalit hindi ang aking pananaw.

Ilibing ninyo ang aking mga paa subalit hindi ang landas na aking tinahak.

Ilibing ninyo ang aking mga kamay subalit hindi ang aking matiyagang pagsusumikap.

Ilibing ninyo ang aking mga balikat subalit hindi ang pagmamalasakit ko sa inyong lahat.

Ilibing ninyo ang aking tinig subalit hindi ang aking panawagan.

Ilibing ninyo ang aking utak subalit hindi ang mga pangarap ko para sa inyong lahat.

Ilibing ninyo ako subalit huwag ilibing ang aking buhay.

Ilibing ninyo ang aking puso subalit huwag ninyong ilibing ang aking pag-ibig.

Kung may ibig kayong ilibing, ang ilibing ninyo’y ang aking mga pagkukulang at kahinaan. Subalit ang aking buhay, ang aking pananalig, at ang aking pag-ibig ay panatilihin ninyong buhay sa inyong kalooban. “

Sa paghahanap ng sumulat sa orihinal na tula, may nagsabi mula ito kay Randall Rohr.Sa liham ni Pete Lacaba, galing ito sa “Bury My Heart at Wounded Knee ” ni Dee Brown. May naglagay din na galing kay Stephen Vincent Benet. Kung lahat ay nakapag-ambag sa tula at dapat pasalamatan, salamat.

Advertisements
Explore posts in the same categories: Babaylan, Spirituality

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: