Archive for March 2012

INA, nanay,mama

March 30, 2012

In this season of celebrating our Nanay’s  final  season I wish our families and Nanay’s community to remember what we learn as girls  growing into mothers. This is a lesson in being a woman, a teacher, a sister, a parent, a friend .

Let me first  quote Marra Pl. Lanot’s poem “Ina” . Then I will add what I learned from Nanay

INA

Ako ang ina ng mga diyosa,ng mga nimpa ng dagat,ng mga diwata ng gubat,

ng mga espiritu ng burol,bundok,puno,amihan,paruparo.

Ako ang apoy at liwanag sa silahis ng araw,sa kamay ng buwan,sa libo-libong alitaptap sa gabing maginaw.

Ako ang naghasik ng palay at naglatag ng bulaklak,nagbigay ng kulay sa parang.

Ako ang katahimikan bago nayanig ang bulkan at sumiklab ang himagsikan,

Ako ang pag-asa pagkatapos magwala ang kalangitan at lumuhod ang kapayapaan.

Ako ang ilaw ng tahanan na korteng kuweba,kubo,katedral, na mistulang parke at paaralan.

Ako ang gatas sa labi sa halip na maasim na tuba o mapait na serbesa.

Ako ang unang ngiting nasisilayan sa duyan, ang mangkok na pinagbubuhusan ng iyak ng mga  anak pagkagaling sa eskuwela, ang batyang pinagbababaran ng galit ng asawang napapagod sa pabrika.

Ako ang yerong sa pagbilad ng luha, ang langgas sa sugat, ang puntod ng dalamhati.

Ako ang unang halakhak sa mga korning joke   ng asawa, ng mga anak  at apo.

Ako ang  pugon laging  nagluluto at  hapag  ng mga paboritong pagkain sa lahat ng kaarawan.

Ako ang susi sa mga suliranin  ng mga pasaway na  anak.

Ako ang bangkong  nagpapatawad sa mga utang na hindi mabayaran.

Ako ang ATM laging online  kapag  nahingi  ang  mga kapus-palad na anak at apo.

Ako ang emoticon   sa  mga balitang nakakahilo o nakababagabag.

Ako ang lunas sa  mga paang puno ng labtok.

Ako ang tuldok  sa mga suliraning  naghahanap ng kalutasan.

Ako ang siling labuyo  sa mga matabang na pagmamahalan ng mga magsing-irog.

Ako ang  bubuyog  sa mga hardin ng mga rosas ng mga kabataan.

Ako ang sinapupunang walang sawa sa pagsilang.

Ako ang kaloobang puno ng pag-asa.

Ako ang simula at katapusan ng buhay na may kabuluhan.

 

 

 

 

 

Advertisements

%d bloggers like this: